Monday , December 23 2024

INC mabilis na tumulong sa biktima (Sa pinakabagong lindol sa Japan)

MABILIS na tumugon sa pangangailangan ng mga biktima ng nakaraang lindol sa bansang Japan ang Iglesia Ni Cristo (INC) sa pamamagitan ng pagbigay ng libo-libong kahon ng relief goods sa ilalim ng programang Lingap o International Aid for Humanity nito.

Sinabi ni Glicerio B. Santos, Jr., ng INC noong Linggo,  naiparating at naipamigay ng INC ang relief packs sa mga apektadong residente ng rehiyong Kyushu sa Japan.

“Ginagawa natin ang anumang tulong na pwedeng maibigay para maibsan ang hirap ng mga nasalanta ng lindol. Ang tulong siyempre ay para sa lahat, kasapi man ng Iglesia, Hapon man o hindi. Walang pinipiling pananampatalaya o nasyonalidad ang pangangailanan at pagtulong sa trahedya,” banggit ni Santos.

Dalawang lindol na hindi bababa sa 6.2 magnitude ang naitala sa mga siyudad ng Kumamoto at Ueki sa Japan. Nasa 50 ang naitalang namatay at mahigit 1,000 ang nasugatan. Gumuho ang ilang gusali at tulay sa lugar dulot ng pagyanig ng lupa.

“Lubos na mahusay tumugon at magpagalaw ng tao ang gobyernong Hapon, kaya minarapat namin na relief goods gaya ng pagkain, tubig, at mga gamit pang personal hygiene ang pinaka-epektibong tulong na maibibigay namin at bukod pa rito, mayroon din cash donations sa mga apektadong lugar,” dagdag ni Santos.

Laman ng relief packets ang tubig, de-lata, cup noodles, biskuwit, kape, tsaa, toiletries pati adult at baby diapers.

Ang relief effort ng INC ay pinangungunahan ng Felix Y. Manalo Foundation, sa punong pangangasiwa ni Santos. Ang lahat ay atas ni INC Executive Minister Eduardo V. Manalo.

Kumilis din dati ang Foundation sa pagbigay ng tulong sa mga naapektohan ng bagyong Yolanda at lindol sa Bohol na nangyari noong 2013, pati na rin ang international relief noong 2005 Typhoon Katrina sa Louisiana sa Estados Unidos, ang Hurricane Sandy sa New York, ang malalaking Tornadoes sa Oklahoma, dalawang beses na rin naglingap sa South Africa, at sa Australia.

“Ang Japan relief effort ang bahagi ng maliit na simulain ng INC na gampanan ang responsible international citizenship. Alam namin pipitsugin ito kompara sa ginagawa ng Red Cross o ng Red Crescent, pero sa tingin namin ano mang maliit na hakbang ay malayo ang mararating sa pagbigay-tulong sa mga nangangailangan,” paliwanag ni Santos.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *