Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayor Oca landslide win sa latest survey (280,000 votes lamang, buong Oca Team wagi rin)

TULOY-TULOY ang arangkada at pag-angat ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan sa pinakahuling survey na isinagawa noong nakalipas na buwan ng Marso.

Sa Inilabas na pinakahuling survey ng Actual and Comprehensive Evaluators (ACE), nakakuha ng 69.2% si Mayor Oca samantala 24.8% lang si Enrico “Recom” Echiverri.

Ganoon din ang inilabas na survey results ng Probe Data Processing & Research Services, na 65.8% sa respondents ang nagsabing si Mayor Oca ang kanilang iboboto kung ngayon na ang eleksiyon, samantala 27% lang ang nakuha ni Recom.

Ibig sabihin umano, 483,000 votes ang makukuha ni Mayor Oca o mahigit 40% (280,000 votes) na inilamang niya laban kay Recom, isang landslide na panalo kung ibabatay sa 700,000 botante ng Caloocan.

Dagsa rin ang lamang ng lahat ng Team Oca: Sa 1st District Congressman, si Dale Gonzalo Along Malapitan ay nakakuha ng 66.3% laban kay Susana “Susan” Punzalan na 18% lang. 

Sa 2nd District Congressman, si Edgar “Egay” Erice, ay 66.3% samantalang si Mary “Mitch” Cajayon – Uy ay nakakuha ng 30%.

Sa 1st District councillors, pinakyaw ng Team Oca ang napiling top 6 ng mga mamamayan na sina Karina Teh, Jay Africa, Dean Asistio, PJ Malonzo, Onet Henson at Alou Nubla, ayon sa pagkakasunod.

Sa 2nd District, straight Team Oca din ang lumabas sa councilors survey: Carol Cunanan, Tino Bagus, L.A. Asistio, Rose Mercado, Jerrboy Mauricio at Obet Samson ayon sa pagkakasunod.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …