Monday , December 23 2024

Duterte dapat idiretso sa Mandaluyong — 4k

TINAWAG ni Vice President Jejomar Binay na ‘abnormal’ si presidential bet at Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte at iginiit naman ng isang advocacy group na imbes sa Malakanyang ay sa National Center for Mental Health (NCMH) dapat idiretso ang kandidatong pangulo ng PDP-Laban.

Sa kanyang talumpati sa mga tagasuporta sa Alaminos City, Pangasinan kamakalawa, iginiit ni Binay na dapat sumailalim si Duterte sa libreng physical at psychological check-up sa Ospital ng Makati para makita ang tunay na kalagayang pisikal at mental ng Davao City mayor.

“Hinihikayat  ko si Mr. Duterte na magpatingin na agad sa psychiatrist. Mukhang sobra na siyang naapektohan ng stress sa kampanya,” kantiyaw ni Binay. “I also urge him to undergo as well a full physical examination, at siya mismo ang nagsabi na siya ay may malubhang sakit.”

Ayon naman kay Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) secretery general Rodel Pineda, sa kung ano-anong lumalabas sa bibig ni Duterte ay mapapansing  wala siya sa katinuan kaya dapat nang ipasuri sa NCMH sa Mandaluyong City.

“Masyado nang wala sa lugar ang mga pinagsasasabi ni Duterte kaya parang may tililing na siya,” dagdag ni Pineda. “Kung mananalo siyang pangulo ng bansa, nakatatakot ang kanyang posibleng gawin dahil lalong lalakas ang kanyang loob sa paglabag sa karapatang pantao.”

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *