Friday , November 15 2024

Kahirapan Public Enemy No. 1 — Chiz

SA kahirapan nag-ugat lahat ng problema ng bansa at ito ang public enemy number one.

Ito ay ayon kay independent vice presidential candidate Sen. Chiz Escudero kasabay ng pahayag noong Linggo na ang pagsugpo sa kahirapan ang magiging prayoridad ng gobyernong may puso.

“Sa Gobyernong may Puso, ang kalaban po namin, kahirapan, public enemy number one po namin ‘yan,” ayon kay Escudero.

Sa ikalawang debate ng mga kumakandidatong bise presidente, sinabi ni Escudero na habang may mamamayang hindi matustusan ang pinakapayak sa kanilang pangangailangan patuloy na magkakaroon ng mga Filipino na lilihis sa buhay ng krimen at mag-aaklas laban sa pamahalaan.

“Para po sa akin, habang mayroong tatay na hindi napapakain ang kanyang anak nang tatlong beses sa isang araw. Habang mayroong nanay na hindi napag-aaral hanggang kolehiyo ang kanyang anak. Habang mayroon pong pamilya na hindi kayang ipagamot ang mahal nila sa buhay. Palagi pong may kakapit sa patalim, palaging may gagawa ng krimen, at palaging may aakyat sa bundok,” paliwanag ni Escudero.

Ayon sa Bicolanong senador, dito sa sinasabing ugat ng lahat ng suliranin ng bansa dapat na ituon ng gobyerno ang atensiyon kung ayaw nating magpabalik ang pag-usbong ng mga poblema ng bansa.

Bigay-diin niya, “nais po namin tutukan ang pinaka-ugat ng problema. Maski anong putol mo ng damo, kung nandiyan pa rin ang ugat, balewala at tutubo pa rin ‘yon.”

Ang isang gobyernong may puso, giit ni Escudero, ay iwawaksi ang gutom at kahirapan, hindi ang nagugutom at nahihirapang mamamayan.

“Nais po namin patayin ang gutom hindi ang gutom. Nais po namin patayin ang kahirapan hindi ang mahirap. Ito ang layunin, ito ang mithiin, ito ang pangarap at nais naming makita sa ating bansa upang tunay na maging maunlad,” ayon sa senador.

Kabilang sa mga platapormang idinetalye ni Escudero sa nasabing debate ang paglalaan ng pondo para sa mga programang bibigyan ng pangunahing pagtuon gaya ng P300 bilyon o sampung porsiyento ng taunang badyet ng bansa para sa mga magsasaka at mangingisda, mga sektor na nabibilang ang pinakamaraming mahihirap; P100 bilyon para sa pensiyon ng OFWs; P12.3 bilyon para sa libreng edukasyon sa kolehiyo sa lahat ng state college at universities; at ikatlong bahagi ng taunang budget na katumbas ay halos isang trilyong piso para sa Mindanao “para ang lupang pangako ay tuluyan nang maging lupa ng katuparan.”

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *