Friday , November 15 2024

Vote-buying tinabla sa Caloocan (Namigay ng bigas at de-lata)

NAPIPINTONG ma-disqualify si Cong. Enrico “Recom” Echiverri, kandidatong mayor sa Caloocan City, matapos sampahan ng kasong vote-buying o paglabag sa Omnibus Election Code sa piskalya na nakasasakop sa Comelec, ng isang ginang na inabutan ng bigas at de-lata.

Sa kanyang sinumpaang salaysay sa piskalya ng Caloocan, inihayag ni Rosita Ordejon, biyuda, ng Kaunlaran Village, Caloocan City, nagsadya umano sa kanyang tahanan si Leticia Conge upang hikayating magpalista dahil mamimigay umano si Echiverri ng bigas, de-lata, insurance at pera.

Pagkatapos umano ng ilang araw ay binigyan siya ng tatlong kilong bigas, sardinas at corned beef sa opisina ni Lilia Asparago, coordinator ni Echiverri sa Padas Alley, Brgy. 12.

Nagkaroon umano ng caucus sa kanilang barangay noong huling linggo ng March sina Echiverri at dito ipinamigay ang ID at accidental death and disability insurance na may P10,000 coverage limit sa ilalim ng master policy No. P0018254.

Sinabihan umano sila ni Conge na tatanggap sila ng P1,000 bago ang eleksiyon at karagdagang P2,500 kapag nanalo si Echiverri.

Inihayag ni Ordejon na alam niyang may nilalabag nang batas si Echiverri at ang pamimigay ng pagkain at insurance ay isang uri rin ng pagbili ng kanilang mga boto, kaya siya nagsampa ng reklamo.

Ang vote-buying ay ipinagbabawal sa Section 261 ng Omnibus Election Code, na nagsasaad na “sinumang tao ang mag-alok o mangangako ng pera o ano mang bagay na may halaga, o trabaho, o mag-aalok na siya ay gagastos, direkta o hindi, para sa isang tao, grupo, korporasyon o komunidad para mahikayat na bomoto pabor o kontra sa sinumang kandidato o huwag bomoto sa halalan… ay itinuturing na pagbili ng boto.”

Nakasaad sa Omnibus Election Code na sino mang tao na mapapatunayang lumabag sa batas-panghalalan ay mapaparusahan ng pagkakakulong nang hindi kukulangin sa isang taon at hindi hihigit sa anim na taon.

Dagdag pa rito, hahatulan ang mapapatunayang lumabag dito ng disqualification sa public office at tatanggalan ito ng karapatang lumahok sa halalan.

“Galit po ako sa mga politikong bumibili ng boto. Ang mga ibinibigay na ito ay pansamantalang ginhawa lamang, pero pangmatagalan namin itong pagdurusahan dahil libong doble nitong babawiin sa kaban ng bayan kapag nanalo,” ayon kay Ordejon.

“Wala pong naghikayat sa akin na gawin ito. Sarili ko pong kapasyahan ang pagsasampa ng kaso laban kay Echiverri. Gusto ko namang mag-ambag sa pag-unlad at magandang pagbabago ng aming lungsod kahit na sa maliit na pamamaraang ito,” paliwanag ni Ordejon.

Wala pang pahayag ang tanggapan nina Echiverri kung si Conge at Asparago ay mga tao nila.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *