Friday , November 15 2024

P375-M shabu tiklo sa 2 Chinese, 2 Taiwanese

APAT dayuhang drug dealer, pawang Chinese at Taiwanese national,  ang naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District – District Anti-Illegal Drugs makaraang makompiskahan ng 75 kilo ng shabu na nagkakahalag ng P375 milyon “street value” kahapon ng hapon sa nasabing lungsod.

Sa inisyal na ulat, ayon kay Chief Insp. Enrico Figueroa, hepe ng DAID, naging katulong nila sa operasyon ang District Special Operation Unit (DSOU) na pinamumunuan ni Supt. Jay Agcaoili.

Samantala, kinilala ni Chief Insp. Figueroa ang mga nadakip na sina Chu Cheng, Taiwanese; Wei Chang Lee, Chinese;  Henry Go Sy, Chinese national; at Shan Wen Lee, Taiwanese national.

Ayon kay Chief Insp. Figueroa, nadakip ang apat dakong 5:30 p.m. sa isinagawang buy-bust operation sa parking lot ng isang food chain restaurant sa Philcoa, Quezon City.

Dagdag ng opisyal, dinakip ang apat makaraan bentahan ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P5 milyon ang isang poseur buyer.

Nang inspeksyonin ng mga operatiba ang dalang mga sasakyan ng apat, tumambad sa kanila ang 74 kilo ng shabu.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *