Friday , November 15 2024

May the people win – Chiz

“ANG taumbayan ang dapat magwagi sa darating na eleksyon.”

Ito ang mariing pahayag ni independent vice presidential candidate Francis Chiz Escudero sa ginanap na debateng inorganisa ng ABS CBN kahapon.

Sa simula ng kanyang talumpati, nagpahayag ng kalungkutan si Escudero dahil tila mas masigasig pa ang kanyang mga kapwa kandidato na maghanap ng mga isyung ibabato sa isa’t isa kaysa magpresenta ng solusyon sa problemang ikinakaharap ng sambayanan.

Ani Escudero, “Wala pang napapakain ang pagbabangayan, wala pang eskuwelahan ang naipapatayo dahil sa sisihan, at wala pang trabahong nalilikha ang patutsadahan.”

Dagdag ng senador, “[H]igit na makabubuti at mas makabuluhan na sa halip magpintasan ay magpahayag ng mga solusyon para sa seryosong problema ng ating bayan.”

Nagpahayag naman si Escudero na mas tiwala siyang interasado ang mga mamamayan na malaman kung ano ang kanilang gagawin laban sa mga suliranin ng bayan gaya ng kahirapan at kriminalidad.

Ganon pa man, nauunawaan umano ng Senador ang galit na nararamdaman ng publiko.

“Hindi ko masisisi kung galit na kayo. Kung sawa na sa pamomolitika. At kung nawawalan na ng pag-asang umangat pa ang inyong kalagayan. Sa kabila ng ipinagmamalaking pag-unlad, marami pa rin sa inyo ang naiwanan at naiiwan.”

Dagdag ni Escudero, malakas na ang panawagan ng taumbayan para sa makataong pagbabago.

“Our people want solutions. Not scapegoats! They want action, not alibis. Kapag nag-rally ang gutom na magsasaka, hindi mo sila babarilin at saka maghahanap ng sisisihin. Kapag nasira ang MRT at nawalan ng koryente ang airport, hindi mo dapat iasa sa fengshui at kapalaran ang solusyon. Instead of justifying the incompetence of your subordinates, you take responsibility and exact accountability. Kung gusto, maraming paraan; kung ayaw, maraming dahilan.”

Ipinaliwanag ni Escudero na pangunahing layunin nina ng kanyang tandem na si Sen. Grace Poe ang isang “gobyernong may puso na nakararamdam, may malasakit, inclusive, lahat nakikinabang, hindi lang ang malalakas at mayayaman.”

Layunin din umano nila ang, “isang gobyernong seseryosohin at hindi gagawing biro ang krimen, lalo na ang panggagahasa at pagyurak sa dignidad ng mga kababaihan.”

Kung galit aniya ang mga tao sa krimen, sa kuropsiyon, at sa kawalan ng pagasa, nararapat lamang na dapat mas galit ang sambayanan sa kahirapan, na ugat ng lahat ng nabanggit.

Dagdag ni Escudero, “Ang programa namin: patayin ang gutom, hindi ang nagugutom. Concentrate all efforts on addressing poverty. Kahirapan ang tunay na kalaban. Ito ang ugat ng krimen, kuropsiyon, at kawalan ng pagasa. What we need is an all out war against poverty. In this coming election, and in the fight against poverty, may the people win.”

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *