Friday , November 15 2024

Duterte: Ako dapat mauna sa babaeng nireyp

BUMUHOS ang galit ng mga tao sa isang viral video na nagtatalumpati si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, at ikinukuwento ang isang pagkakataong pinagalitan daw niya ang isang grupo ng kalalakihang nanggahasa sa isang Australianang misyonaryo.

Nakita raw ni Duterte na may kamukhang artista sa Hollywood. Sa video, sinabi ni Duterte na: “pu*****na, sayang,” habang nagtatawanan ang mga tao sa audience. “Ang nagpasok sa isip ko, ni-rape nila, pinagpilahan nila dun,” kuwento nito. “Nagalit ako kasi ni-rape? Oo. Isa rin ‘yun. Pero napakaganda. Dapat, ang mayor muna ang nauna. Sayang,” dagdag ni Duterte.

Sa puntong ito ay naputol na ang video ngunit bahagi ito ng isa pang mas mahabang video na mga supporter mismo ni Duterte ang naglagay sa Facebook. Libo na ang mga komentong dumagsa sa iba’t ibang post sa social media. “Walang matinong tao ang nagbibiro tungkol sa rape, tungkol sa nilapastangan at ginahasang babae. Can you imagine ‘yung nanay mo, kapatid mo, anak mo, asawa mo, girlfriend mo…ma-rape at may masabi na dapat siya ang naunang gumahasa, matutuwa ka ba?” bulalas ng isang Fernando R.

“Ang rape ay hindi nakakatawa. ‘Yung kinahinatnan ng biktima ay hindi nakakatawa, kahit ano pang palusot mo rito,” sabi ng isang nagngangalang Donna. Hindi lamang mga netizen ang naghimagsik sa bagong patutsada ni Duterte para sa kanyang kampanya.

Pumalag din sa mga pahayag ni Duterte si Liberal Party standard bearer Mar Roxas, na tinawag na “kahayupan” ang mga naging salita ni Duterte. “Seryosong problema ang rape,” bungad ni Roxas.

Hindi umano dapat ginagawang katatawanan ang isang insulto sa dignidad ng kababaihan. “Ang babae ay may karapatan, hindi pinaglalaruan. Hindi katatawanan, kahayupan ito,” sabi ni Roxas.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *