Friday , November 15 2024

Sanggol, paslit 2 matanda patay sa sunog

APAT ang patay sa sunog na tumupok sa 50 bahay sa E. Santos Street sa Brgy. Palatiw, Pasig City.

Kinilala ang mga namatay na sina Fidela Lacia, 60; Enrique Sanchez, isang 4-anyos paslit at kapatid niyang 2-anyos sanggol.

Nasa 100 pamilya ang naapektohan ng sunog na sinasabing nagsimula sa bahay ng isang alyas “Kudos” na mabilis kumalat dahil gawa sa light materials ang mga katabing bahay.

Aabot sa P5 milyon ang halaga ng pinsala ng sunog.

Sa Davao: 400 bahay nasunog sa sinaing, kapilya iniwasan ng apoy

DAVAO CITY – Misteryosong hindi natupok ng apoy ang isang chapel sa Pag-asa, Brgy 5-A sa lungsod ng Davao makaraan ang sunog kamakalawa ng hapon.

Sa nasabing lugar ang Sr. Sto. Niño chapel ay nakatayo katabi ng bahay na pinagmulan ng apoy.

Bukod sa chapel, hindi rin naabo ang puno ng Molave na nakatanim sa tabi ng kapilya.

Ngunit ayon sa iba, hindi natupok ang chapel at puno dahil ang mga ito ang unang binugahan ng tubig ng mga bombero.

Kung maaalala, nagsimula ang apoy sa pamamahay ng isang Estrella Flores dahil sa napabayaang sinaing.

Sa talaan ng City Social Services and Development Office (CSSDO), aabot sa humigit kumulang 400 bahay ang totally damage at halos 800 pamilya ang apektado.

Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection Davao ang sanhi at ang danyos sa nasabing sunog.

1 patay, 2 missing, 2 sugatan sa CDO fire

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang babae habang sugatan ang mag-live in partner sa pagsiklab ng malaking sunog sa Zone 2, Greymar Subd., Brgy. Bugo sa Cagayan de Oro City kamakalawa.

Inihayag ni Bureau of Fire Protection (BFP) Central District investigator SFO2 Dennis Dalis, kinilala ang mga sugatan na sina Paulo Dapar at Renalyn Garcia, tumulong sa pag-apula ng apoy.

Sinabi ni SFO2 Dalis, nagsimula ang sunog sa isang karinderya na pagmay-ari ni Allan Mero at kumalat sa ibang kabahayan.

Ayon kay SFO2 Dalis, inaalam pa nila ang pagkakilanlan ng babaeng namatay sa insidente.

Umabot sa pitong kabahayan ang tinupok ng apoy at nagtala ng mahigit P1 milyon ang naabong mga ari-arian. 

Napag-alaman, bukod sa namatay, dalawang iba pa ang nananatiling missing makaraan ang insidente.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *