Friday , November 15 2024

Politikong gagamit ng 4Ps isumbong (Hikayat ng Palasyo)

HINIKAYAT ng Malacañang ang mga beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na magsumbong kay Social Welfare Sec. Dinky Soliman kung ginagamit ang programa sa politika.

Una rito, napaulat na ginagamit ng administration party ang mga beneficiary ng 4Ps para marami ang dumalo sa campaign sortie ni presidential candidate Mar Roxas at runningmate niyang si Congw. Leni Robredo.

Sinasabing ilan sa benepisyaryo na dumalo sa unity walk ay hindi alam na sa political rally sila pupunta at pinagbantaan silang babawasan ng P500 ang kanilang buwanang allowance kung hindi sila sasama.

Sinabi ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Undersecretary Manolo Quezon III, nakalulungkot ang ganoong black propaganda lalong lalo na dahil talagang hangad lamang ng gobyerno na mapabuti ang kalagayan ng mga beneficiary at hindi mapulitika.

Ayon kay Quezon, kaya nais nilang maiparating sa kinauukulang ahensiya ang kanilang mga reklamo para matugunan.

Kung gusto pa daw nila ng dagdag na assurance, magsulat sila sa Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III dahil siya mismo ay hindi papayag na lokohin, abusuhin o masira ang tiwala ng mga benepisyaryo sa ano mang paraan.

“Of course, isumbong kay Dinky dahil  si Dinky ang numero unong hindi papayag na mangyari ito. Kung gusto pa nila ng additional assurance, magsulat sila sa Pangulo dahil siya mismo ang hindi papayag na gawin ang mga ganoon sa mga benepisyaryo na takutin sila o lokohin o abusuhin ang kanilang tiwala sa ano mang paraan,” ani Quezon.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *