Friday , November 15 2024

Motorcade itinigil ni Lim para makinig sa hinaing ng Manilenyo

KINAILANGAN tumigil ang motorcade ng nagbabalik na alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim sa ikalimang distrito sa Maynila nang magsisugod ang mga residente patungo sa sasakyan niya upang maglabas ng mga hinaing, kasama na ang umano ay sobrang taas na singil per ora nang gumamit sila dati ng sports complex sa lungsod, gayong dati naman itong libre.

Karamihan sa mga naghayag ng reklamo ay mga kalalakihan na ang libangan ay basketball at iba pang indoor sports, na nagsabing bukod sa kanila ay naalisan din ang senior citizens ng pribilehiyong gumamit ng sports complex nang libre. Bagama’t libre na ulit ngayon, nagpahayag ng pangamba ang mga residente na baka kaya ito muling inilibre ay dahil lamang sa eleksiyon.

Tiniyak ni Lim sa mga nasabing residente na sa oras na makabalik na siya sa City Hall ay muli niyang gagawing libre ang paggamit ng sports complex upang maengganyo ang mga residente, lalo ang mga kabataan, na maging aktibo pagdating sa sports.

Matatandaan, sa buong administrasyon ni Lim, tiniyak niya na libre ang paggamit ng mga nasabing sports complex para sa mga residente, sa layuning ilayo sila, lalo na ang mga kabataan, palayo sa droga at upang maging aktibo sa ano mang uri ng sports.

May anim na sports complexes at covered courts ang lungsod ng Maynila na ginagamit noon pa bilang dausan ng iba’t ibang uri ng sports activities ng mga residente nang walang kalakip na bayad.  Ito ang sumusunod: Tondo Sports Complex (near Sto. Nino De Tondo Church) District I, Patricia Sports Complex (Flora Street, Gagalangin, Tondo) District II, Rasac Covered Court (Alvarez Street corner Rizal Avenue) District III, Dapitan Sports Complex (Instruccion Street, Sampaloc) District IV, San Andres Sports Complex (San Andres Street, Malate) District V at Teresa Covered Court (Teresa Street, Sta. Mesa) District VI.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *