Friday , November 15 2024

Kagawad ng barangay pinatay dahil sa kalabaw (Sa Quezon province)

NAGA CITY – Patay ang isang barangay councilor makaraan barilin ng kapwa magsasaka dahil lamang sa kalabaw sa Polilio, Quezon kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Ernie Azul, 38, incumbent barangay councilor.

Ayon kay Insp. Jun Balilo ng PNP-Polilio, nakapasok sa lupain ng suspek na si Hizel Azores, 47, ang kalabaw ng biktima kung kaya minabuti niyang dalhin ito sa barangay hall upang hindi makaperhuwisyo sa kanyang mga pananim.

Ngunit nasalubong ng biktima ang suspek at sa pag-aakalang nanakawin ang kalabaw ay agad bumunot ng baril upang paputukan si Azores.

Ngunit naunahan ni Azores si Azul at limang beses binaril na ikinamatay ng biktima.

Agad tumakas si Azores kasama ang kanyang asawa at anak lulan ng isang motorsiklo ngunit hinabol siya ng dalawang pamangkin ni Azul at saka tinaga.

Masuwerteng sa kamay lamang tinamaan si Azores na sa huli ay nadakip din ng mga pulis.

Nakatakdang sampahan ng kaso ang suspek habang nananatili na rin sa kulungan ang dalawang pamangkin ng biktima na nanaga kay Azores.

Napag-alaman, may matagal na ring hindi pagkakaunawaan ang dalawang pamilya.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *