Monday , December 23 2024

4 Malaysians dinukot sa Tawi-tawi — AFP

KINOMPIRMA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na apat na Malaysians ang binihag ng mga rebeldeng grupo sa Tawi-Tawi kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Maj. Filemon Tan, tagapagsalita ng Western Mindanao Command, dinukot ang crew members ng tugboat sa Pondo Sibugal, bayan ng Sitangkai, Tawi-Tawi province bandang 6:30 p.m.

“Accordingly, the four victims all Malaysian nationals and crew of TB Henry were abducted by a group of five to seven armed men,” ani Tan.

Sinasabing isinakay ang mga bihag sa gray o blue na speedboat.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad kung sinong grupo ang dumukot sa mga crew.

Magugunitang noong nakaaraang buwan, 14 din ang binihag na tugboat crewmen na kinabibilangan ng 10 Indonesians at apat na Malaysian nationals.

Napag-alaman, ang bandidong grupong Abu Sayyaf ang sinasabing responsable sa pagdukot sa 14 crew ngunit hindi pa malinaw sa militar kung ang grupo rin ang dumukot sa apat na Malaysian crew.

Kasama ngayon sa hawak ng Abu Sayyaf ang tatlong dayuhan at isang Filipina na dinukot sa beach resort sa Samal Island sa Davao del Norte noong Setyembre.

Nagbanta ang mga Abu Sayyaf na pupugutan ang isa sa mga bihag sa Abril 25 bandang 3 p.m. kapag hindi ibinigay ang ransom na P300 milyon.

Dahil dito, todo panawagan ang mga bihag na tulungan sila ng gobyerno para makaalis na sa lugar.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *