Monday , December 23 2024

Power supply sa Luzon nasa red alert status

INIAKYAT sa red alert ang status ng power supply sa Luzon Grid nitong Biyernes ng hapon.

Dahil dito, ilang lugar sa bansa ang nakaranas ng black out.

Damay rin sa mababang reserba ng koryente ang Visayas at Mindanao na dating binibigyan nang sobrang supply mula sa Luzon.

Ayon sa Meralco, isinailalim sa emergency shutdown ang Kalayaan units 3 at 4, habang maintenance ang Pagbilao 1, down din ang Malaya 1, Magat 3 at 4, gayondin ang Botocon 2, habang ang Calaca 1 at 2 ay nasa limited capacity lamang.

Kasama sa maaaring maapektohan ng rotating brownout ang Cavite, Laguna, Quezon, Rizal at ilang parte ng Metro Manila na kinabibilangan ng Caloocan at Quezon City.

Habang mawawalan din ng koryente ang mga bayan ng Castillejos, San Marcelino, Subic, Cabangan, San Antonio, San Felipe at San Narciso sa Zambales.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *