Friday , November 15 2024

Pabahay at trabaho naman — Lim (Kalusugan at edukasyon ‘di na problema)

MATAPOS buhayin ang libreng serbisyong medikal at edukasyon, isusulong ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim, sakaling muling mailuklok, ang programang pabahay sa matataas na gusali at trabaho sa mahihirap na pamilya.

Ito ang sinabi ni Lim makaraan sabihin na hindi problema ang kalusugan at edukasyon dahil natupad na niya ito sa mga unang programa nang siya ay nakapuwesto sa ilang termino bilang alkalde.

Sa isang caucus kamakailan, binanggit ni Lim, sa ilalim ng kanyang plano, ang mahihirap ay bibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng sariling bahay sa pamamagitan ng pag-aalok sa kanila ng unit sa nasabing housing buildings sa pinakamababang presyo na titiyaking abot-kaya nila.

Dagdag niya, ipatutupad ang housing project sa ilalim ng ‘rent to own’ na sistema, o ‘yung habang nagbabayad ng buwanang renta ay magiging pag-aari sa dakong huli ang tinitirahan.

Ipinaliwanag din ni Lim, ang halaga ng isang unit ay babayaran ng aplikante nang paunti-unti kada buwan at sa oras na makompleto na ang kabuuang bayad, makukuha na ng nakatira ang titulo para sa unit at ang pag-aari ay awtomatikong maisasalin sa kanya.

Sa nasabing planong pagtatayo ng housing buildings sa lungsod, inaasahan ni Lim na lilikha nang maraming trabaho kapag naumpisahan na ang proyekto.

Kaugnay nito, sinabi ni Lim, sino man ang magpapatupad ng proyekto, kanyang aatasan na taga-Maynila ang kukuning mga trabahador.

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *