Friday , November 15 2024

Chiz huling alas (Sa pagkakaisa ng bansa)

SA harap ng bangayan at palitan ng maaanghang na salita ng mga kandidato bilang bise presidente sa kaisa-isang vice presidential debate noong Linggo, tanging ang independent vice presidential bet na si Sen. Chiz Escudero ang lumalabas na lider na nasa posisyon upang pagkaisahin ang bansa.

Ito ang lumilitaw sa mga pinakahuhuling survey na nagpapakitang 94 porsiyento ng mga botante ang bukas sa ideyang si Escudero ang uupo sa pangalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Sa obserbasyon ng mga nagmamasid sa politika, ang Bicolanong senador ang may karakter ng pagiging “statesman” at karapatdapat mani ng panibagong pagtingin o “second look” ng mga botante.

Isa pang survey ng SWS ngayong buwan, ang nagpapakita na tanging anim na porsiyento lamang sa respondents ang nagsasabing ayaw nilang manalo si Escudero bilang VP, samantala mas mataas sa 22% ang nagsasabing dapat na hindi manalo si Sen. Bongbong Marcos.

Kapansin-pansin din umano ang hindi nakikipagbangayang estilo ni Esudero at ang kanyang magalang na pakikitungo sa mga katunggali na hindi takaw-atensiyon, kaiba sa mapanirang estilo ng pagpapalitan ng atake sa pagitan nina Marcos at Sen. Alan Cayetano na ikinadesmaya ng maraming nanood.

Ayon sa kolumnistang si Babes Romualdez, maraming nagsabi na ang “politiko mula sa Taguig ay magaling lamang sa paninira ng ibang tao upang itaas ang sarili,” at ikinatuwa din ang tugon ni Escudero hinggil sa tapunan ng putik at negatibong pangangampanya sa naturang debate.

Kinatigan ng manunulat na si Marichu Villanueva ng Philippine Star ang beteranong senador sa kanyang kolum na nagsabing mas pinili ni Escudero na “ilabas ang kanyang mga nagawa at ang kanyang kalamangan imbes batikusin ang ibang mga katunggali.”

“Inihayag niya ang kanyang track record laban sa korupsiyon gaya ng kanyang iniakdang Freedom of Information (FOI) bill na ipinasa ng Senado, samantala bigo sa usaping ito ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na kontrolado ng LP,” ayon sa beteranong mamamahayag.

Halimbawa na lamang dito ang ginawa ni Escudero upang “itama lamang ang kapwa Bikolanong kandidato ng LP na si Rep. Leni Robredo matapos sabihin ng kongresista na mas maayos ang kanyang bersiyon ng FOI.”

“Maginoo hanggang sa huli, nanatiling makatotohanan ang kanyang paglalahad at iniwasang tawagin ng kung ano-ano ang kanyang mga katunggali na siya namang ginawa ng ibang kalahok at sumira sa debate.”

Ayon kay Villanueva, dapat na mas pagtuunan ng mga botante “kung ano ang mga nagawa ng mga VP candidates, imbes tingnan kung gaano sila kagaling sa debateng naka-TV.”

“Kung sino pa ang maraming nagawa, siya namang kakaunti ang sinabi dahil alam niya na lahat ng kanyang nagawa ay tatayo kahit hindi pa ipagwagwagan sa publiko,” dagdag ni Villanueva tungkol kay Escudero.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *