PATULOY na lumalaki ang Beach Volleyball Republic (BVR) on-tour at lalo pang napapalapit sa fans sa pagpasok ng ABS-CBN bilang official broadcast partner ng sumisibol pa lang na liga para sa beach volleyball.
Bago mapasimulan ang BVR Boracay leg sa White House mula April 27 hanggang 28, gaganapin muna ang torneo ng naggagandagang beach volleybelles sa 60-ektaryang sproting venue na The Villages sa Clark, Pampanga ngayong linggo.
Naging promal ang tambalan ng ABS-CBN at mga shareholder ng BVR na sina Bea Tan, Charo Soriano, Dzi Gervacio, Fille Cayetano at Gretchen Ho sa contract-signing event sa Resto 9501 sa ELJCC Bldg., ABS-CBN Complex, Quezon City noong nakaraang buwan.
Layunin ng BVR na mapalaganap ang beach volleyball lifestyle sa Filipinas sa pamamagitan ng pagbibigay daan sa mga atleta para sa pagsasanay, pag-unlad ng kanilang talento, pagtatag ng komunidad at makalahok sa mga high-level tournament sa iba’t ibang sulok ng bansa.
Sa Philippine Sportwriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate, ipinaliwanag ni Tan na layunin din nilang makahanap ng mahuhusay na manlalaro ng beach volleyball para mabigyan ng sapat na exposure at training tungo sa pagbuo ng isang pambansang koponan na lalahok sa pandaigdigang entablado.
“Maaaring mahirap pang gawin ito dahil pasibol pa lang ang ganitong uri ng laro dito sa atin pero mabuti nang masimulan natin ito dahil maraming mga talentadong atleta tayo na makapagkakaloob sa ating bansa ng karangalan mula sa beach volley,” punto niya.
Ayon naman kay Matt Attaway ng The Villages, sinadya nilang magpagawa ng man-made na beach, particular para sa BVR on-tour.
“We welcome the event because our aim here in Global Clark Assets Corporation is to promote us as one of trhe country’s premier sporting venue and it all depends on the success of the BVR tour if the beach we will be putting up will become permanent fopr beach volley fans,” idiniin ni Attaway.
ni Tracy Cabrera