Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

State of calamity idineklara sa Cebu dahil sa El Niño

CEBU CITY – Isinailalim sa state of calamity ang probinsiya ng Cebu kamakalawa sa regular session ng sangguniang panlalawigan.

Sa ‘unanimous voting’ ay inilabas ang resolusyon para matugunan ang tumitinding problemang dulot ng El Niño phenomenon.

Naging basehan ng kapitolyo ang isinagawang imbestigasyon ng Cebu Provincial Agriculture’s Office at ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga apektadong lugar.

Dahil dito, magagamit na ang natitirang pondo ng Quick Response Fund na umabot sa P34-M.

Ang nasabing pondo ay ibibigay sa mga apektadong lugar na matukoy ng nasabing mga ahensya.

Nabatid na mayroon nang mga lugar sa probinsiya na ang mga taniman ay nagbitak-bitak dahil sa matinding init.

Samantala, nagbabala ang Pagasa Central Visayas na titindi pa ang mararanasang init dahil sa nakalipas na 20 taon ay umabot na sa 33 degrees Celsius ang itinaas ng temperatura.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …