Sunday , December 22 2024

Bawal na palayaw ni Mar-Leni sa balota parusahan (Palayaw ba ang Daang Matuwid?)

NASASADLAK ngayon sa posibleng kaso ng paglabag sa batas ng halalan si Mar Roxas at Leni Robredo ng Liberal Party dahil sa paggamit ng katagang “Daang Matuwid” sa kanilang pangalan sa opisyal na balota para sa 2016 elections.

Ayon kay dating Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Gregorio Larrazabal, maraming botante umano ang nagtatanong kung bakit ginamit ni Roxas at Robredo ang nasabing mga kataga bilang palayaw.

“Sa simula pa lamang ng overseas absentee voting, marami nang nagtatanong sa akin hinggil sa balota. Bakit daw nakakabit sa pangalan ng ibang kandidato ang ‘Daang Matuwid’ at kung pinapayagan ito ng batas,” ayon kay Larrazabal.

“Ini-review ko ang rules ng Comelec. Ang tanong, palayaw ba ang Daang Matuwid? Sabi sa rules, palayaw lang ang maaaring gamiltin ng mga kandidato,” paliwanag ng abogado.

Sa Rule 2, Sec. 4 ng Comelec Resolution No. 9984, maaaring gamitin ng mga kandidato (1) ang kanilang pangalang nakatala sa Local Civil Registrar; (2) ang pangalang nakasaad sa kanilang Baptismal Certificate; o (3) ang kahit na anong pangalan batay sa umiiral na batas o, para sa mga Muslim, ang kanilang pangalang Hadji matapos magsagawa ng Hadj pilgrimage sa Mecca.

Pinapayagan naman umano ang paggamit ng palayaw batay sa mga kaugnay na kautusan, ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, ngunit aminado na “may problema rito dahil ang nasabing kataga ay ginagamit bilang slogan ng maraming ahensiya ng pamahalaan.”

Tuwirang sinabi ni Larrazabal na isang paglabag sa Omnibus Election Code (OEC) ang paggamit ni Roxas at Robredo ng ‘slogan’ bilang palayaw nila sa balota.

“Noong pinayagan ng gobyerno na gamitin ang ‘Daang Matuwid’ bilang pangalan ng mga kandidato sa balota, at kasabay nito, patuloy pa ring ginagamit ng burukrasya ang ‘Daang Matuwid’ sa mga opisyal na anunsiyo, sa mga ipinapaskil na tarpaulin at patalastas sa loob ng campaign period, patuloy din ang paglabag ng mismong gobyernong dapat na nagpapatupad ng batas na ito,” bigay-diin ng dating Comelec Commissioner.

Ayon kay Larazabal, binabalewala ng gobyerno, o ng mga opisyal at kawani nito, ang Section 261 (o) ng OEC na nagbabawal sa “paggamit ng pondong pampubliko, ng perang ipinagkatiwala dito, ng mga kagamitan at pasilidad sa ilalim ng pagmamay-ari o kontrol ng gobyerno sa kasagsagan ng kampanyang panghalalan.”

Ayon sa dating opisyal ng Comelec, may kaugnay na parusa ang OEC “sa paggamit ng pampublikong pondo, kahit na paano pang paraan, direkta man o hindi, para sa kampanya o kahit na anong gawaing pampulitika.”

“Hindi nga ba klaro na ang paggamit sa Daang Matuwid o Tuwid na Daan sa lahat ng anunsiyo, tarpaulin at mga patalastas nito ay malinaw na nakapaloob sa pinaparusahang mga gawain ayon sa batas?

Bilang tugon, hinikayat ni COMELEC Chairperson Andres Bautista ang lahat ng may katulad na hinaing na magsampa ng kaukulang reklamo sa kanyang Komisyon.

“’Yun ang nickname na inilagay nila, ‘e yun ang nickname. Mag-file na lang ng complaint.”

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *