Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Agarang benepisyo sa kababaihan, senior citizens — Lim

NAKATITIYAK na ng agarang benepisyo ang senior citizens at kababaihan ng lungsod ng Maynila sa oras na nakaupo muli sa City Hall ang nagbabalik na alkalde ng lungsod na si Alfredo S. Lim.

Sa kanyang araw-araw na pangangampanya sa mga bahay-bahay sa iba’t ibang panig ng lungsod, paulit-ulit ang reklamong tinatanggap ni Lim mula sa mga senior citizens na hindi na umano nakararating sa kanila ang mga benepisyo gaya ng birthday benefits at hindi na rin umano sila prayoridad sa mga ospital na dati ay libre lahat ang serbisyo medikal. 

Nakarating din kay Lim na pati pangangak sa lungsod ay hindi na rin libre gaya nang dati.

Bilang tugon, tiniyak ni Lim sa senior citizens na sa oras na makabalik na siya ng City Hall bilang alkalde ay agad niyang aatasan ang Office of the Senior Citizens’ Affairs (OSCA) upang bigyan siya ng listahan ng senior citizens ng lungsod at nang sila ay agarang mabigyan ng P2,000 kada isa, kasabay ng pagpapahayag ng pagkalungkot na maging birthday benefits nila ay hindi na rin pala nila natatanggap.

Ani Lim, napakaliit ng nasabing halaga kompara sa

mga naiambag ng senior citizens para sa lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng pagiging bahagi ng mga nagtatrabahong sector noong kanilang kabataan.

“Nakinabang ang lungsod ng Maynila sa ating mga senior citizens noong panahong sila ay malakas at bata pa kaya naman ngayong sila ay nasa dapit-hapon na ng kanilang buhay, marapat lang na gantimpalaan natin sila maski sa maliit lang na paraan gaya ng financial assistance,” ani Lim.                             

Aniya, bukod sa pagbaballik ng lahat ng libreng serbisyo medikal sa mga ospital ng lungsod na kanyang itinatag sa ilalim ng kanyang administrasyon, titiyakin din niya na ang 12 lying-in clinics na kanyang ipinatayo ay magiging aktibo sa pagtulong sa mga buntis para sa panganganak nang libre.

Matatandaan na noong administrasyon ni Lim, tiniyak niyang ang anim na distrito ng Maynila ay may tig-isang ospital na nagbibigay ng libreng serbisyong pangkalusugan mula konsultasyon, doktor, pagkaka-ospital, operasyon, panganganak at maging sa mga gamot na kailangang inumin pag-uwi ng bahay.

Sa mga naturang ospital ay binibigyang-prayodidad din ang senior citizens kasama ang iba pa gaya ng persons with disabilities (PWDs).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …