Friday , November 15 2024

Sabotahe kay Mayor Kid Peña: ‘Trash Villains’ timbog sa Makati

NATUKOY na ng mga awtoridad ang sanhi ng pagsulpot ng mga tambak ng basura sa mga kalsada ng Makati na isinisisi sa administrasyon ni Mayor Kid Peña ng kanyang mga katunggali sa politika.

Huling-huli sa akto ang tatlong lalaki habang nagtatapon ng basura mula sa isang closed utility van sa kahabaan ng Kalayaan Avenue, Linggo ng gabi.

Ayon sa ulat ng Makati Public Safety Department (MAPSA), ang tatlong suspek na kinilalang sina Jason Direro, 23, Emerson Grant, 18, at Romeo Sapurgo, 57, pawang mga residente ng Makati, ay nasakote nang maaktohan silang nagtatambak ng basura sa Kalayaan Avenue corner JB Roxas St., sa Brgy. Olympia, nitong Linggo 11:55 p.m., mula sa sinasakyang closed van na may plakang PLB 528.

Ang tatlong suspek na nasa kustodiya ng Makati City police ay nakatakdang sumailalim sa inquest proceedings ngayong Lunes ng hapon dahil sa paglabag sa City Ordinance No. 2003-095, o ang Makati Solid Waste Management Code.

“Hindi pa natin tiyak ang tunay na motibo nila. Ngunit isang bagay ang nasisiguro ko, sinisikap ng aking mga kalaban sa politika na maibunton ang sisi sa aking administrasyon ukol sa problema ng basura,” ani Peña.

Binigyang-diin din ng alkalde ang “synchronized operation” ng mga naturang garbage dumpers na nagdulot ng problema sa basura sa lungsod, na naging tampok sa mga talumpati ng mga kandidato ng kabilang kampo habang nangangampanya.

Inaasahan ng kampo ni Peña na isa lamang ito sa mga senaryo na lalamanin ng isang magasin na nakatakdang ilathala ng kanilang katunggali, na pinamagatang “Bigong Makati.”

“Sisikapin nilang ilarawan ako bilang isang pabaya at walang kwentang lider, ngunit malinaw na ito ay tahasang pananabotahe,” dagdag ni Peña.

Ayon sa alkalde, mula sa unang araw ng kanyang pag-upo bilang acting mayor ng Makati, layon na niyang isulong ang kalinisan sa buong lungsod. “Sa katunayan, nakapag-deploy na kami ng mga karagdagang trak upang kolektahin ang basura sa iba’t ibang bahagi ng lungsod,” aniya.

Nagpasalamat si Peña sa kanyang chief of staff at sa mga mapagmatyag na residente ng iba’t ibang barangay ng lungsod na agad ipinagbigay-alam ang insidente sa mga kinauukulan.

 “Upang hindi na maulit ang ganitong mga pangyayari, at upang mapanatiling malinis ang Makati, hinihikayat natin ang mga residente na kaagad na i-report ang mga ganitong pangyayari sa pamamagitan ng emergency hotline 168 o sa trunkline 870-1101 to 03,” ani Peña.

About Hataw News Team

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *