Friday , November 15 2024

Lim-Atienza sa UNA survey

ITO ang kinalabasan ng isang survey na isinagawa sa Maynila kailan lamang ng United Nationalist Alliance (UNA), na nanguna sina Vice Pre-sident Jojo Binay at Se-nator Bongbong Marcos sa presidential at vice presidential race, habang ang nagbabalik na alkalde na si Alfredo S. Lim, at ang number one 5th District Councilor Ali Atienza ang nanguna sa labanan ng mga kandidato para mayor at vice-mayor, ayon sa pagkakasunod.

Napag-alaman, isang independent survey firm ang kinomis-yon ng UNA upang magsagawa ng survey sa 4,800 respondents mula sa iba’t ibang bahagi ng Maynila.

Sa nasabing survey, nakatanggap si Binay ng 40.2 percent, na sinundan ni Grace Poe na nakakuha ng 34.0 percent; Rodrigo Duterte, 13.8 percent; Mar Roxas, 7.5 at undecided. 2.1 percent.

Sa vice presidential race, nakakuha si Marcos ng 53.4 percent, sinundan ni Sen. Chiz  Escudero sa 22.6 percent; Alan Peter Cayetano, 7.0 percent; Leni Robredo, 6.7 percent; Antonio Trillanes, 4.5 percent; Gringo Honasan, 3.8 percent at ang undecided ay nasa 2.0 percent.

Sa lokal na politika, si Lim ang nanguna sa hanay ng mga tumatakbo para alkalde nang makakuha siya ng 42.0 percent, kasunod si Amado Bagatsing, 35.6 percent, at Joseph  Estrada, nakakuha lamang ng 19.5 percent, habang ang undecided ay nasa 2.9 percent.

Ang kasalukuyang konsehal na si Ali Atienza ang nakakuha ng pinakamataas sa mga tumatakbong bise-alkalde ng Maynila, nang makatanggap siya ng 58.8 percent, sinundan ni Congressman Atong Asilo na nakakuha ng 17 percent; Honey Lacuna Pangan, 12.4 percent, at Trisha Bonoan, 9.0 percent. Ang undecided ay nasa 2.2 percent.

Si Lim ay tumatakbong alkalde sa ilalim ng Liberal Party (LP) ng administrasyon at hindi sa ilalim ng UNA o ano mang partido na kaalyansa ng oposisyon. Ang kanyang palagiang pangunguna sa mga survey ay nag-uugat sa kanyang planong ibalik ang mga libreng serbisyo sa ospital na kanyang pinasimulan at nawala nang siya ay umalis ng City Hall, gayondin ang libreng serbisyo sa 59 barangay health centers at 12 lying-in clinics o paanakan, gayondin ang pagtitiyak na kanyang ibabalik sa lumang presyo ang mga buwis at amilyar bago pa ito itaas ng kasalukuyang administrasyon nang may 200 porsyento.

Si Atienza naman ay kilala sa paglaban sa mga hakbang at ordinansa na maaaring magdulot ng pahirap sa maliliit gaya ng pagsasapribado sa mga pamilihang-bayan at pagtataas ng amilyar.

About Leonard Basilio

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *