Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daga kinain ng gutom na magsasaka (Mata namuti sa kahihintay sa tulong ng gobyerno)

KUMAIN ng daga ang mga magsasaka sa Kidapawan City, North Cotabato sa labis na gutom dahil inabot na ng anim na buwan hindi pa rin dumarating ang tulong na ipinamamarali ng pamahalaan.

Isinawalat ito ng lider ng mga ng mga magsasaka laban sa ipinamamaraling tulong na pinadala umano ng pamahalaan para maibsan ang epekto ng tagtuyot sanhi ng El Niño sa buong lalawigan.

Sa Tapatan sa Aristocrat media forum sa Malate, Maynila, pinasinungalingan ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman Rafael Mariano ang patutsada ni interior and local government Undersecretary Peter Irving Corvera na ang mga magsasaka ang dapat sisihin sa madugong insidente sa nasabing lungsod.

Binatikos din ni Mariano si Communication Undersecretary Manolo Quezon na sinisi ang mga ‘kaliwa’ na nagtulak umano sa mga magsasaka upang kumilos laban sa mga nagrespondeng pulis.

Sa opisyal na pahayag, sinisi ni Quezon ang ‘leftist groups’ na umano’y gumamit sa mga magsasaka para itulak ang kanilang agenda kahit walang kaugnayan sa tagtuyot na nagbunsod sa mga magsasaka para magprotesta.

Sinusugan din ito ni Suara Bangsamoro spokesman Jerome Succor Aba, na nagsabing sa sobrang gutom ng mga biktimang magsasaka, kahit daga at mga halamang ugat ay kinakain nila para lang tumagal sa matinding kakulangan ng tubig sa Cotabato.

“Anim na buwan kaming naghintay pero walang tulong na pinadala ang gobyerno—kahit isang butil ng bigas ay wala,” diin ni Aba.

Ito umano’y naging karanasan nila sa kabila ng mga sinasabi ng administrasyong Aquino na may pondong nakalaang pang-ayuda sa mga sinalanta ng El Niño.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …