TULAD ng ilang mga kalayaan na ating binabale-wala, ang karapatang magbiro o makapanloko sa ating mga kaibigan sa araw ng April Fool’s Day, o Abril 1, ay pinagbabawal na ngayon sa bansang China, batay sa kautusan ng pamahalaan dito.
Tama nga ang inyong nabasa—ilegal na ngayon ang nasabing araw sa bansang China.
Iniulat ng The Washington Post na nagsagawa ng opisyal na pahayag ang state news agency na Xinhua ng sumusunod sa social media:
“’Hindi sumasang-ayon ang April Fool’s Day sa tradisyong kultural, o socialist core values . . . Umaasa na walang naniniwala sa tsismis, gumawa ng mga tsismis o nagpapakalat ng mga tsismis.”
Lumilitaw na malaki ang pag-aalala ng Partido ukol sa paggamit ng mga mamamayan ng North American tradition ng April Fool’s para hindi seryosohin ang pamahalaan nang hindi mahaharap sa kaukulang kaparusahan. Nililinaw nito na hindi papayagan ang alin mang kaganapang may kaugnayan sa April Fools.
Bahagi marahil ng problema rito ay nahihirapan din ang state-run news agency na Xinhua sa mga pagbibiro kapag naharap sila rito.
Noong 2012, namataan ng state newspaper ang isang artikulo ng satirical news site na The Onion na nagproklama kay Kim Jong-un ng North Korea bilang “sexiest man alive.”
Ulat ng Newsweek na nagpatuloy ilathala ng pahayagan ang isang buong pahinang larawan ni Jong-un, na tumutukoy sa joke article.Isang taon makalipas, inihayag din ng state-run news channel at nilathala ang joke story bilang katotohanan sa pag-ulat na ang Virgin Airlines ay maglulunsad ng kauna-unahang glass-bottomed plane.
Kinalap ni Tracy Cabrera