Friday , November 15 2024

5 suspek sa bebot na inilagay sa drum arestado ng NBI

LIMA ang naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), kabilang ang tatlong pulis at dalawang sibilyan, habang pinaghahanap ang tatlo pang mga suspek, pawang sangkot sa pagdukot at pagpatay sa isang 50-anyos ginang na natagpuan sa loob ng drum habang nakalutang sa Ilog Pasig sa Ermita, Maynila nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang mga naaresto na sina Inspector Eljie Jacobe, ng National Capital Region Police Office-Supplies Division, residente sa Gagalangin, Tondo; PO1 Mark Jay delos Santos ng Brgy. 1 Reyes St., Lower Bicutan, Taguig City; PO1 Edmon  Gonzales, ng Antonio Rivera St., Tondo; at dalawang sibilyan na sina Domingo Balanguit, ng Vicar Building, NBP Reservation, Poblacion Muntinlupa City; at Empire Salas, ng R. Cruz St., Gagalangin, Tondo.

Samantala, tatlong suspek pa ang tinutugis ng NBI na may mga alyas na Egay, Ver at isang John Doe.

Ang nabanggit ang pangunahing mga suspek sa pagpatay sa biktimang si Adora Lazatin.

Natagpuan ang bangkay ng biktima na underwear lamang ang suot habang nakasilid sa asul na drum at inaanod sa Pasig River.

Sa ulat na isinumite ni Atty. Manny Eduarte, hepe ng NBI-Anti Organized and Transnational Crime Division, kay NBI Director Virgilio Mendez, naaresto ang limang suspek habang nagwi-withdraw ng P50,000 sa Banco De Oro sa Parañaque gamit ang ATM ng biktima nitong Sabado.

Una rito, dinukot ng mga suspek ang negosyante noong nakaraang Lunes makaraan magpanggap si Insp. Jacobe na buyer ng lupang ibinebenta ni Lazatin.

Tinangka ng mga suspek na humingi ng ransom sa pamilya ng biktima kahit patay na ang negosyante.

Anim na beses nang nakapag-withdraw ng tig-P50,000 ang mga suspek sa ATM ni Lazatin bago sila nahuli ng NBI.

About Leonard Basilio

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *