Friday , November 15 2024

Misis minartilyo sa ulo, suspek na mister nabundol (Kapwa kritikal)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Kritikal ang kalagayan sa pagamutan ng isang ginang makaraan tatlong beses na hatawin ng martilyo sa ulo ng kanyang selosong mister na malubha rin ang kalagayan nang mabundol ng sasakyan habang papatakas sa Brgy. Sta. Cruz, sa bayan ng San Simon kamakalawa ng umaga.

Base sa ulat ni Chief Inspector Jose Charlmar Gundaya, hepe ng San Simon Police, sa tanggapan ni Chief Supt. Rudy Lacadin, Police Regional Office-3 director, kapwa isinugod sa Jose B. Lingad Regional Memorial Hospital ang mag-asawang sina Virginia Ponio, 46, at Michael Ponio, nasa hustong gulang.

Ayon kay Chief Inspector  Gundaya, galit na galit na tinawag ng mister ang kanyang misis na nasa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Nang makababa ang ginang ay tatlong beses siyang hinataw ng martilyo sa ulo ng kanyang asawa.

Tumigil lamang ang suspek sa pananakit sa asawa nang awatin siya ng kapatid na babae na si Abel.

Nang dumating ang nagrespondeng mga pulis ay mabilis na tumakbo ang suspek ngunit minalas na nahagip siya nang humahagibis na sasakyan.

Leony Arevalo

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *