Sunday , December 22 2024

Japan envoy nakayukong nag-sorry sa war victims

MULING ipinaabot ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhide Ishikawa ang paghingi ng paumanhin sa karahasang nagawa sa mga Filipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Sa paggunita ng Araw ng Kagitingan sa Bataan kahapon, nakayukong sinabi ni Amb. Ishikawa, buong pagpapakumbaba at taos sa puso ang kanilang paghingi ng paumanhin sa ano mang sakit na naidulot ng kanilang pagsakop sa Filipinas.

Ayon kay Ishikawa, nagsilbing leksiyon sa Japan ang karanasan sa World War II kaya tuluyan na silang naging demokratiko at tinalikuran ang giyera bilang paraan ng pagsusulong ng kanilang interes.

Kasabay nito, muling tiniyak ni Ishikawa na magpapatuloy ang pagtulong sa Filipinas bilang paraan ng pagbawi sa mga kasalanan sa nakaraan.

Patuloy rin aniya ang kooperasyon ng Japan sa Filipinas at Estados Unidos para mapanatili ang katatagan, seguridad at pag-unlad ng rehiyon.

“I express our heartfelt apologies and deep sense of remorse for those who suffered during those fateful days, please allow me to bow my head once again with profound grief and sincere condolences before the souls of all who perished here (Bataan),” ani Ishikawa.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *