Sunday , December 22 2024

Beterano ‘di na kukupitan (PNoy nangako sa Araw ng Kagitingan)

TINIYAK ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hindi na kukupitan ang kanilang mga pensiyon at benepisyong inilalaan sa kanila.

Ginawa ni Pangulong Aquino ang pahayag sa paggunita ng Araw ng Kagitingan kahapon sa Mt. Samat, Bataan.

Sinabi ng Pangulong Aquino, naayos na nila ang listahan ng mga tunay na beterano at nagkaroon na ng reporma sa pamamahagi ng mga benepisyo.

Ayon kay Pangulong Aquino, kabilang din sa naitaas ang daily substinence allowance ng mga beterano at pagsaayos sa Veterans’ Memorial Medical Center (VMMC) at nakapagpatayo ng isang operating complex, napalawak ang renal dialysis unit at pagkakaroon ng outpatient complex.

Patuloy din aniya ang pagtustos ng gobyerno sa educational assistance sa direct descendants ng mga beterano hanggang matapos ang kanilang pag-aaaral.

Sa nasabing okasyon, hindi naiwasang mamolitika si Pangulong Aquino at ikampanya ang kanyang mga kandidato sa eleksiyon.

Sinamantala rin ni Pangulong Aquino ang pagkakataon para magpaalam dahil ito na ang kanyang huling pagdalo sa paggunita ng Araw ng Kagitingan bilang Pangulo ng bansa.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *