Thursday , December 19 2024

Sinungaling na magnanakaw pa…

Nobody steals books but your friends.

¯-Roger Zelazny, The Guns of Avalon

PASAKALYE: Panay ang sabi ni ERAP na inubos daw ni LIM ang pondo ng lungsod kaya nang maupo siya noong 2013 ay bangkarote ang Maynila.

Kung totoo ito, ibig bang sabihi’y peke o palsipikado ang ipinapakitang dokumento ni DIRTY HARRY na sinertipikahan ni city treasurer LIBERTY TOLEDO na may naiwang milyones si outgoing mayor ALFREDO LIM sa kaban ng lungsod.

Tandaan: ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw… at sa usaping ito, sino nga ba ang nagsisinungaling… hindi nga ba’t si ERAP?

Puna lang po…

MAY tsismis… sa bandang huli raw ay ilalaglag din ng mga supporter ng incumbent mayor ang kanilang among convicted plunderer. Parang ganito ang nangyari kay RECOM ECHEVERRI ng Caloocan na mismong ang mga ‘tao’ niya ang lumaglag sa kanya sa mga huling araw ng eleksiyon!

Totoo kaya ito?

NAKATUTUWA dahil inamin umano ni Pangulong NOYNOY na hindi raw kayang talunin ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, o Armed Forces of the Philippines (AFP), ang military ng bansang China.

Wala talagang natutuhan ang anak ni BENIGNO AQUINO. Hindi niya ba alam na hindi tanging lakas ang batayan para magwagi ang isang bansa sa larangan ng digmaan?

Nakalimutan na ba ni Ginoong P-NOY ang Vietnam na nagpaluhod sa sandatahang lakas ng Estados Unidos—kahit walang modernong armas at modernong pagsasanay ng kanilang mga sundalo?

Nakalimutan na rin ba ng Pangulo ang bansang Japan nang salakayin ng mga puwersa ng Great Khan na si KUBLAI—ang apo ng Dakilang Mananakop na si GENGHIS KHAN?

At nakalimutan na rin ba ang ginawa ng ating mga ninuno nang ipagsanggalang ang kapuluan sa pananakop ng mga Hapones at gayon din ang pagpapalayas ng mga Kastila sa pagwawakas ng Philippine Revolution?

Siguro, kailangang dalawin ng anak ni CORY ang dambana sa Corregidor at gayon din ang Bataan para maalala niya ang kagitingan ng mga Filipino!

NANG matanggap ni HAGODA GAMAGE SHALIKA PERERA ang depositong US$20 milyon sa kanyang account, totoong inaasahan niya ito ngunit wala siyang kaalam-alam na ang pondong nasabi ay ninakaw mula sa bangko sentral ng Bangladesh.

Nagawang pasukin ng mga hindi kilalang hacker ang banking system ng Bangladesh mula Pebrero 4 hanggang 5 at sinubukang nakawin ang halos  isang bilyong dolyar mula sa account ng Federal Reserve Bank of New York.

Karamihan naman ay na-block pero nakarating din ang US$20 milyon sa Shalika Foundation ng Perera bago napabalik ang transfer ng pondo. Ayon sa Bangladesh central bank officers, kumilos sila makaraang humiling ang routing bank na Deutsche Bank ng paglilinaw o clarification sa nasabing transfer dahil nagkamali ang mga hacker sa spelling ng pangalan ng kompanya. Nailagay nila itong ‘fundation’ sa halip na ‘foundation.’

Samantala, US$81 milyon ang naipadala sa account sa Filipinas, saka na-divert sa mga  casino rito, at dito na naglaho. Iniimbestigahan din ito ngayon ng ating SENADO!

Tunay na misteryo ito… pero misteryo rin na wala pang nagbibitiw o sinisibak sa mga taong sangkot sa masasabing dambuhalang bank heist ng dekada!

Ano’ng say n’yo?

Bala, palo at bomba ng tubig

NAAALALA pa ba ng mga Filipino ang Hacienda Luisita massacre (noong) panahon ni CORY, ang Mendiola massacre (noong) panahon din ni CORY, (at) ngayon angang pinakabago—ang Kidapawan massacre (na) panahon ni BENIGNO AQUINO III? Bakit galit sila sa magsasasaka? Ang magsasaka ang gumagawa ng pagkain ng bawat Filipino. Kapag walang nagbungkal ng lupa, wala tayong bigas. Humihingi ng bigas (ang mga magsasaka)—bala, palo at bomba ng tubig ang natanggap. God bless our farmers. —Anonymous (09156519…, Abril 3, 2016)

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!09

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *