Sunday , December 22 2024

P.022/kWh dagdag singil ng Meralco ngayong Abril

MAGTATAAS ng singil sa koryente ang Meralco ngayong Abril.

Karagdagang P0.22 bawat kilowatt-hour (kWh)ang babayaran ng mga konsumer na mataas kompara sa binayaran nila noong nakaraang buwan ng Marso.

Sa mga bahay na karaniwang kumukonsumo ng 200 kWh ay karagdagang P44.48 ang babayaran nila ngayong buwan.

Sinabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, mas tumaas ang generation charge kaya magtataaas sila ng singil.

Bagamat tataas ay sinabi  ng Meralco, ang P8.86 per kWh na rate ngayong buwan ay mas mura ng P1.82 per kWh mula sa P10.68 per kWh noong nakaraang taon.

Binigyang diin ni Zaldarriaga, bunsod din ito nang pagtaas ng demand ng mga konsumer na mas gumagamit ngayon ng aircon dahil sa mainit na panahon. 

Ipinahiwatig din ng tagapagsalita ng Meralco, maaari pang tumaas ang demand sa susunod na buwan sa pagpapatuloy ng summer.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *