Gatchalian landslide sa Vale City (Base sa survey ng Probe: Rex-82.3%; Magi-12.7%)
Hataw News Team
April 7, 2016
News
INAASAHAN ang landslide win ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa May 9 elections matapos makakuha ang alkalde ng mahigit 80 porsiyento ng mga botante sa isinagawang survey ng grupong Probe noong Marso 7-12.
Umabot sa 600 ang kabuuang respondent ng Probe survey na tig-300 respondents ang kinuha sa District 1 at District 2 at sumailalim sa face-to-face personal interviews. Lahat ng respondents ay may edad 18 pataas at pawang rehistradong botanter sa Valenzuela City.
Sa tanong na, “Kung ang eleksiyon ay gaganapin ngayon, at ang mga sumusunod ang mga kandidato, sino po ang iboboto ninyo sa pagka-Mayor?”
Umabot sa 82.3 percent ang boboto kay incumbent Mayor Rex Gatchalian samantala 12.7 percent lang ang boboto kay 2nd District Rep. Magtanggol “Magi” Gunigundo, Jr.
Dating kongresista ng 1st District si Gatchalian kung kaya nananatiling malakas siya rito at nakakuha siya ng 86 percent ng mga botante kompara kay Gunigundo na nakakuha lamang ng 8.3 percent.
Kongresista ng 2nd District si Gunigundo pero sa kabila nito ay 17 percent lang ang boboto sa kanya sa pagka-alkalde samantala 78.7 percent ang muling boboto kay Gatchalian sa pagka-mayor ng Valenzuela City.
Kabilang sa 1st District ang mga barangay ng Arkong Bato, Balangkas, Bignay, Bisig, Canumay East[1], Canumay West[1], Coloong, Dalandanan, Isla, Lawang Bato, Lingunan, Mabolo, Malanday, Malinta, Palasan, Pariancillo Villa, Pasolo, Poblacion, Pulo, Punturin, Rincon, Tagalag, Veinte Reales at Wawang Pulo.
Kabilang naman sa mga barangay ng 2nd District ang Bagbaguin, Karuhatan, Gen. T. De Leon, Mapulang Lupa, Marulas, Maysan, Parada, Paso de Blas at Ugong.
Kahit bumoto pa kay Gunigundo ang 5 percent na undecided ay hindi na rin siya makahahabol dahil siguradong ilalampaso siya ni Mayor Gatchalian sa eleksiyon sa Mayo 9.
Hindi naman nakapagtataka kung 82.3 percent ng mga botante ng Valenzuela City ang muling boboto kay Mayor Rex Gatchalian dahil sa dami ng kanyang mga naisakatuparang programa na direktang nakatulong sa mga mamamayan ng lungsod.
Bukod sa ipinagmamalaki ngayon ng mga Valenzuelano na napakagandang “Peoples Park” at 3S Centers (or Sentro ng Sama-samang Serbisyo), kabilang din sa mga proyekto ni Mayor Rex Gatchalian ang mga sumusunod: — 3S Plus Electronic Terminal – ang kauna-unahang electronic building permit application system sa buong Filipinas; Bantay Estudyante – ang unang senior citizen-force multiplier group na nagsusulong ng kapakanan at kaligtasan ng mga kabataang estudyante na patungo sa kanilang mga paaralan; – Bantay Ilog – unang local flood control arm na nagbabantay sa ilog at batis ng lungsod laban sa mga pollutants; Barangay-Based Feeding Program (BBFP) – libreng suplay ng malusog na ready-to-cook na pagkain para sa mga malnourished children na may edad 6 months hanggang five years old. May libreng check-up at vaccination din sa mga bata na kailangang dalhin ng kanilang mga magulang sa barangay health station;
Kitchen-on-Wheels – ito ang mobile kitchen na ginagamit ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) para mag-transport ng mga pagkain sa mga biktima ng bagyo at sakuna; Women’s Wellness Clinic, Mobile Medical and Dental Clinics, and Mobile Botika (pharmacy); VPOW or Valenzuela Police-on-Wheels – unang mobile police precinct sa bansa; —www.ValenzuelaTrabaho.gov.ph – inning job-matching website operated ng local government unit (LGU); at ALERT (Allied Local Emergency and Evacuation Response Teams) Center.