Erap No Show sa Thrilla in Manila
Leonard Basilio
April 7, 2016
News
ININDIYAN ni dating Pangulong Joseph Estrada ang itinakdang debate ng mga kandidato para alkalde sa UP-PGH Science Hall ng University of the Philippines sa Maynila, kahapon.
Dumating ang nagbabalik na si Manila Mayor Alfredo S. Lim, 15 minuto bago ang itinakdang rehistrasyon dakong 1 p.m. habang si Bagatsing ay dumating naman bago ang umpi-sa ng debate ng 2 p.m.
Nagpahayag nang pagkadesmaya ang mga organizer sa pag-isnab ni Estrada na sinasabing hindi nagkompirma o nagpahayag ng pagdalo o ‘di pagdalo at wala rin anilang kinatawan na kumontak upang ipaliwa-nag ang estado ng imbitasyon.
Habang nagkagulo ang media nang lapitan ni Lim si Bagatsing at kamayan sabay upo sa tabi nito. Inimbitahan din ni Lim si Bagatsing na tumayo para magkamayan.
Sa nasabing okasyon ay binatikos ni Lim ang mga kasinungalingang ipinakakalat umano ni Estrada na bankrupt ang Maynila nang siya ay pumasok sa City Hall pagkaalis ni Lim.
Ipinakita ni Lim ang isang certification na pirmado ni city treasurer Liberty Toledo na nagsa-sabing ang kabuuang pondo na iniwan ni Lim nang umalis siya sa City Hall ay mahigit P1.5 billion. Aniya, si Toledo ay treasurer nang si Estrada na ang mayor at ang nasabing certification ay inilabas noong July 4, 2013 matapos ang termino ni Lim.
“Hawak ko ang records para pasubalian ang mga kasinungali-ngang ipinakakalat na iniwan kong bangkarote ang Maynila. May nagsisinungaling dito. Alam n’yo naman si-guro kung ano ang ka-patid ng sinungaling,” ani Lim.
Kinuwestyon din ni Lim kung saan kumuha ng pansuweldo ang City Hall para sa mahigit 12,000 empleyado nito mula Hulyo hanggang Disyembre 2013 kung totoong bankrupt ang City Hall nang matapos ang kanyang termino.