Sunday , December 22 2024

6 manggagawa sa lagarian dinukot ng terorista

CAGAYAN DE ORO CITY – Anim na Kristiyanong sibilyan ang bihag ng mga miyembro ng tinaguriang Foreign and Local Terrorist Organization (FLTO) sa Lanao del Sur.

Ayon sa impormasyon, kinilala ang mga dinukot na sina Tado Hanobas, Buloy, Makol, Gabriel, Adonis at isang Isoy na pawang nagtatrabaho sa isang saw mill sa Purok 4, Brgy. Sandab, Butig.

Sinabi ng hindi nagpakilalang tagapagsalita ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), kasalukuyan silang nakikipagnegosasyon sa Maute group.

Lumitaw ang pangalan ng nasabing grupo mula nang atakehin nila ang tropa ng mga sundalo noong Pebrero 20 na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong sundalo at 11 ang sugatan na mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Aabot sa 20 ang napatay sa isang linggong bakbakan.

Kinilala ang nasabing engkwentro bilang Butig clash at aabot sa 335 pamilya ang lumikas patungong Marawi City habang 657 pamilya ang nanatili sa evacuation centers ng Masiu.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *