Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

15-anyos kritikal sa saksak ng kalaban

KRITIKAL ang  kondisyon ang isang 15 anyos binatilyo makaraan pagsasaksakin ng kalabang grupo sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Jamuel Musngi, out of school youth, porter at residente ng 1455 Antonio Rivera St., Tondo, Maynila.

Habang tumakas ang suspek na si alyas Abo Manalo at kanyang mga kasama makaraan ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Anthony Quilantang ng Manila Police District-Police Station 7, naganap ang insidente dakong 2 a.m. sa panulukan ng Gatmaitan at Juan Luna Streets, Tondo, Maynila.

Kasama ng biktima ang kanyang mga kaibigan habang nag-iinoman sa bahay ng isang Lenlen Guinto sa Ricafort St., Tondo, Maynila.

Pagkaraan ay nagkayayaan ang magkakaibigan na ituloy ang inoman sa bahay ni Crislyn Cajandab.

Gayonman, habang papunta sa bahay ni Cajandab ang grupo nang makasalubong nila ang grupo ni Manalo at humantong sa komprontasyon.

Tumakbo ang grupo ni Musngi ngunit nasukol ang biktima at si Ryan Pacio Trajano kaya pinagtulungan ng grupo ni Manalo.

Nakatakbo ang dalawa ngunit nakorner ng grupo ang biktima at inundayan ng saksak.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …