Sunday , December 22 2024

10 parak sinibak sa Pangasinan (‘Di nagresponde sa robbery)

DAGUPAN CITY – Sampung miyembro ng Police Mangaldan sa lalawigan ng Pangasinan ang ini-relieve sa puwesto makaraan balewalain ang idinulog na robbery incident sa Brgy. Gueguesangen sa nagdaang Semana Santa.

Ayon kay Supt. Jackie Candelario, deputy director for operations ng Pangasinan Police Provincial Office, sinibak ang 10 pulis habang iniimbestigahan ang kanilang officer-in-charge na si Supt. Benjamin Ariola bunsod sa reklamong pinagpasa-pasahan nila ang natanggap na reklamo sa naganap na pagnanakaw.

Nabatid na nangyari ang insidente habang naka-full alert status ang pulisya sa buong bansa dahil sa paggunita sa Mahal na Araw.

Sakaling mapatunayang nagpabaya sa trabaho, maaari silang masuspendi o tuluyang masibak sa trabaho.

Hindi na muna inilabas ang pangalan ng mga akusadaong pulis bilang bahagi ng proseso.

Sa ngayon, pansamantalang nakabase ang pulis sa PPO-Lingayen habang nagpapatuloy ang imbestigasyon kaugnay sa reklamo.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *