NADISKUBRE sa Uzbekistan ang bulilit na Tyrannosaurus rex na kasing laki lamang ng isang kabayo para magbigay ng palaisipan sa mga siyentista ukol sa pag-develop at pag-evolve ng species na maging higanteng predator patungo sa pagwawakas ng Panahong Mesozoic.
Pingalanang Timurlengia euotica, na gumala sa mundo may 90 milyong taon ang nakalipas, nakatutulong ito ngayon sa pagpuno ng “frustrating na 20 mil-yong taon patlang” sa fossil record ng tyrannosaur—ang grupo na kinabibilangan din ng dambuhalang Tyrannosaurus rex—noong Mid-Cretaceous Perido, pahayag ni Steve Brusatte ng School of GeoSciences ng University of Edinburgh, na namuno sa team na nakadiskubre ng bulilit na T-rex.
“Ang mga ninuno ng T-rex ay maaaring kamukha ng Timurlengia, isang horse-sized hunter na may mala-king utak,” dagdag ni Brusatte.
“Matapos mag-evolve ang utak ng mga ancestral tyrannosaur na lumaki sila sa higanteng naging ismarte muna bago lumaking dambuhala.”
Ang labi ng bulilit T-rex ay natagpuan sa Kyzylkum Desert sa northern Uzbekistan, isang rehiyon na nakapagbigay sa mundo ng the best na talaan ng mga Mid-Cretaceous dinosaur. Kabilang din sa team bukod kay Brusatte sina Alexander Averianov at Hans–Dieter Sues.
Kinalap ni Tracy Cabrera