Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa China, dalagang ina bubuwisan nang malaki

NAGNINGAS ang galit sa lungsod ng Wuhan sa China sanhi ng plano na buwisan nang malaki ang mga dalagang ina.

Iniulat ng Wuhan state media na nagpanukala ang pamahalaang  lungsod  na  ipapatupad ang ‘social compensation fees’ sa mga inang walang asawa at yaon ding mga babaeng may supling sa mga lalaking may asawa na.

Ipinilit ng mga family-planning official dito na ang proposisyon ay may kahalagahan sa pagmamantina ng mababang birth rate sa kabisera ng Hubei province, at para na rin paigtingin ang programa sa family-planning ng pamahalaang nas-yonal.

Nagbigay ito ng pressure sa kababaihan na may mga anak na labas sa pag-aasawa at ilang araw pa lang napabalita ito ay nasagip ang isang sanggol na lalaki sa Zheijang province na nahulog sa loob ng isang sewer pipe.

Nagkaisa ang mga kritiko ng panukalang lehislas-yon laban sa plano ng lungsod na ipatupad dahil makadaragdag na pasanin umano ang batas sa mga problema ng mga dalagang ina.

Anila, ang mga tangka ng pamahalaang lungsod na sakupin ang kontrobersiyal na aspeto ng moral behavior ng kababaihan ay maa-aring magbunsod ng mas malaking bilang ng aborsi-yon at pag-aabandona ng mga batang isinisilang na walang ama o magulang. Ayon kay Wang Quiong, pro-pesor sa Wuhan University, ang po-lisiya ay “ridiculous,” at idiniin din niya ang pagbibi-gay-pansin sa kalagayan ng mga babae na nagdesisyong magkaanak sa pamamagitan ng in-vitro fertilization.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …