Friday , November 15 2024

Independent probe sa Kidapawan carnage – PNP (Walang tiwala sa PNP, CHR)

BINATIKOS ng militanten grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kahapon ang anila’y napipintong cover-up sa madugong dispersal sa kilos-protesta ng mga manggagawa na humihingi ng pagkain mula sa gobyernong Aquino sa gitna ng epekto ng tagtuyot, at nanawagan ng independent investigation.

Inihayag ito ng KMP kasunod ng mga ulat na sa briefing kina Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento at PNP Chief Director General Marquez sa Kidapawan City, sinabi ni PNP spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, isa sa  namatay na mga raliyista ay positibo sa paraffin test.

Ayon pa sa ulat, sinabi ni Alcala, ang protesta ng mga magsasaka ay may motibong politikal at ang pasimuno ng karahasan ay ang makakaliwang grupo na sinusuportahan ng New People’s Army (NPA).

“The Aquino government’s lies and deception machinery are all geared towards covering up the truth behind last Friday’s bloody dispersal of farmers demanding food aid from the government,” pahayag ni KMP chair Rafael Mariano.

“Farmers do not trust the PNP or any other government investigating body to probe the Kidapawan carnage. Not even the Commission on Human Rights,” pahayag pa ni Mariano ipinuntong natuto na ng leksiyon ang mga magsasaka mula sa naganap na masaker sa Mendiola at Hacienda Luisita.

Aniya, hanggang ngayon, wala pang naituturong responsable sa  Cojuangco-Aquino-patented massacres. Kailangan aniya ng independent probe, ipinuntong ang independent investigating body ay maaaring kabilangan ng prominenteng civil libertarians, Church people, at academecians.

Nagpahayag ng pagdududa si Mariano na maging ang CHR, na ayon sa KMP ay naka-focus lamang sa human rights aspect at tahimik sa karapatan ng mga magsasaka sa pagkain, ay patungo sa direksiyon ng pag-absuwelto sa mga may pananagutan na katulad nina Governor Emmylou Taliño-Mendoza, Kidapawan Mayor Evangelista, Col. Alexander Tagum ng North Cotabato – PNP, ang 39thInfantry Battalion.”

Muli ring iginiit ng KMP ang agarang pagbaklas sa mga elemento ng militar at pulisya sa harap ng United Methodist Church compound, at pagpapalaya sa ikinulong na mga raliyista, at sa pamamahagi ng pagkain sa magsasaka.

“The undeclared martial law in Kidapawan must be stopped. This madness must be stopped,” pahayag ni Mariano said idinagdag na, “Aquino’s failure to stop this madness is tantamount to a green light to Taliño-Santos, the military and the police to perpetuate the escalating human rights violations in the Kidapawan.”

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *