ITO ang katanungan ng ilang mga eksperto sa paglulunsad ng programang pagbabakuna laban sa dengue ng may isang milyong mag-aaral sa Grade IV sa mga pampublikong paaralan sa Calabarzon, National Capital Region at Central Luzon.
Sa Tapatan sa Aristocrat media forum, inihayag ni Dr. Antonio Miguel Dans ng University of the Philippines (UP) College of Medicine ang mga punto kung bakit hindi dapat agarang ipinag-utos na ipatupad ni health Secretary Janet Garin ang nasabing programa dahil hindi pa natitiyak kung ano ang tunay na magiging resulta nito sa kalusugan ng mga kabataan at maging ang su-sunod na mga henerasyon.
Inihambing ng doktor ang pagpapatupad ng dengue vaccine program sa laro ng basketball na hindi pa tunay na nagwawakasa ang laban kaya hindi pa rin malalamn kung ang magi-ging resulta nito ay positibo at hindi negatibo.
“Maaari ngang mabawasan ang bilang ng nagkakasakit ng dengue ngunit sa mga nakalipas na pagsusuri ay lumilitaw na kung nabawasan man ang bilang ng may karamdaman, may naiwan namang ilan na may severe o malalang kaso ng dengue kaya masasabing dapat pang hintayin natin ang resulta ng pagsususri ng World Health Organization sa bakuna,” ani Dans.
Inilahad nito na dalawang linggo lang naman ang hihintayin ng pamahalaaan para matanggap ang report ng WHO Strategic Advisory Group of Experts (SAGE) para magkaroon ng independent opinion ukol sa bakuna at isang taon lang din para makakuha ng final report at definitive information dito.
“Dalawang bagay lang naman ang kailangan nating malaman, kung ang bakuna ay makabubuti para sa ating kalusugan at kung maiiwasan ba natin ang sakit sa tulong nito. Ang da-lawang ito ay hindi nakapaloob sa programa,” kon-klusyon ni Dans.
Bilang panghuli, binanggit muli ng doktor ang kanyang pagtataka kung bakit minadali ng DOH at ni Sec. Garin ang pagpapatupad ng dengue vaccine programa samantala hindi pa rin natitiyak kung ito ay tunay na makabubuti para sa kalusugan ng publiko.
ni Tracy Cabrera