Sunday , December 22 2024

Caloocan ‘Dirty City’

NASAAN ang P1.4B pondo sa basura?

Malamang sumabit si Caloocan Mayor Oscar Malapitan sa mga botante ng lungsod kun hindi niya maaayos ang hindi maipaliwanag na paggamit ng kanyang mga tauhan ng pondo sa basura sa ngayon ay tinaguriang ‘dirty city.’

Napag-alaman na halos P1.4 bilyon na ang nailaan na pondo sa garbage hauling services mula nang maupong alkalde ng lungsod si Malapitan  noong 2013 at dito na nagsimulang tumindi ang problema ng basura sa  buong lungsod.

Ayon sa isang konsehal binawasan nila ngayon 2016 ng P26 milyon at nag-allocate na lang ng P478,288,849 mula P478,288,875 noong 2015 “dahil nga sa baho ng mga transaksiyon dito.”

“Kasi nga naman sobrang laki ng pondo sa basura ‘di naman maipaliwanag kung saan ito napupunta,” aniya.

“Pumunta ka na lang sa Malaria, Bagong Barrio, Sta. Quiteria, Bagong Silang, Maypajo at Dagat-dagatan puro basura ang makikita at maaamoy, ang baho ng lugar dahil sa dami ng mga basura.” 

Napag-alaman na bagama’t tuloy-tuloy ang ‘serbisyo’ ng basura pero ang nakikinabang lang umano ay kompanyang “I Swim” na malapit sa city hall.

Dahil sa takot umano sa mayor, ‘di naman makapagreklamo ang mga kawani baka sila ang balingan ng galit ng mga ‘vigilante’ na itinalaga umano ng alkalde sa mga barangay para magmanman sa kanyang mga kalaban.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *