Friday , November 15 2024

10% diskuwento sa dormitory hiniling

DAPAT gumawa ang gobyerno ng mga pamantayan sa operasyon para sa mga dormitory at boarding houses alinsunod sa kautusan ng National Building Code and Fire Code of the Philippines.

Ayon kay dating Congresswoman Catalina Cabrera-Bagasina sakaling palarin manalo ang Association of Laborers and Employees (ALE) sa party-list election sa Mayo 9, isang panukalang batas para sa mga dormitoryo at boarding houses sa bansa na magbigay ng 10 porsiyentong diskuwento para sa mga estudyante.

Ayon kay Bagasina, maraming mga estudyante mula sa iba’t ibang lalawigan ang nag-aaral sa Metro Maynila na umuupa sa mga dormitoryo bilang pansamantalang tirahan.

“Malaking kabawasan ang 10% discount sa pang-araw-araw na gastusin ng mga estudyante, sabi ni Bagasina, ang kinatawan ng ALE.

Aniya, dapat i-classify sa classes A to D ang dormitoryo, kung hanggang saan ang dami ng estudyanteng patutuluyin base sa laki ng dormitory/boarding house at dapat din tiyakin ang kanilang kaligtasan, malinis at may lugar na makakatulong sa kanilang pag-aaral.

Dagdag dito, dapat magkaroon ng limitasyon ang isang kuwarto kung ilan ang nakatira para masiguro ang kaayusan at tahimik na pag-aaral ng mga estudyante sa loob ng kanilang kwarto.

May mga dormitory o boarding house at ilang private residences na hindi na nila iniisip ang kaginhawaan at kapakanan ng mga estudyanteng nakatira sa kanila, basta lang kumita kahit nakikita na nila na “crowded” ang isang kuwarto o hindi angkop ang isang maliit na kuwarto sa maraming tao.

Dapat din ipagbawal ang establisimento o sinumang indibiduwal na mag-operate ng dormitoryo o boarding house na may 5 boarders pataas hangga’t walang lisensiya mula sa local government units.

“Wag natin balewalain ang magandang kinabukasan ng mga estudyante/kabataan para sa ating pansariling kapakanan dahil sila ang mga susunod na mamumuno sa ating bayan,” ani Bagasina.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *