Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Milyon-milyong pekeng produkto nasabat sa warehouse

NAKOMPISKA ng mga tauhan ng Northern Police District Special Operation Unit (NPD-DSOU) ang milyon halaga ng mga branded na damit, sapatos at mga bag sa isinagawang raid sa warehouse ng isang Chinese national sa Navotas City kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Supt. Edgar Cariaso, hepe ng NPD-DSOU, nakatanggap sila ng reklamo hinggil sa sinasabing mga pekeng produkto na iniimbak sa naturang warehouse kaya isailalim ito sa surviellance operation.

Nang maging positibo, agad isinagawa ng mga tauhan ng DSOU ang raid dakong 5:30 p.m. sa bisa ng search warrant na inisyu ni Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Zaldy Docena ng Branch 170 sa warehouse sa 45-B, Bernardo St., San Rafael Village, Navotas City, at pag-aari ng isang Mike Jinsun.

Ngunit hinarang ang mga awtoridad ng isang Fengfu Xu, Chinese national, at ipinadlak ang gate na bakal at iba pang mga pinto papasok sa warehose gayonman nabigo silang pigilan ang pagsalakay ng mga pulis.

Narekober ng mga awtoridad sa loob ng warehouse ang mga pekeng produkto ng Dickies, American Star Apparel at Tribal Philippines.

Ang inisyung search warrant kontra kay Jinsun at sa hindi pa kilalang business partners niya ay base sa reklamo ng Dickies, American Star Apparel (Phils) Inc. na kinakatawan nina Hector Rodriguez at Tribal Philippines Alex Dee.

Kasamang inaresto si Xu at sinampahan ng kasong obstruction of justice, habang paglabag sa R.A, 7393 o Consumers Act of the Philippines ang isinampa kay Jinsun at sa business partner niya sa Navotas City Prosecutor’s Office.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …