Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kaso pa vs RCBC manager et tal isinampa

MAGKAKAHIWALAY na diringgin ang mga kaso ni dating Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) Jupiter branch manager Maia Santos-Deguito sa Department of Justice (DoJ) at Makati City Prosecutor’s Office.

Magugunitang una nang nagtakda ng preliminary investigation sa Abril 12 at 19, 2016 ang DoJ sa reklamo ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) laban sa dating bank manager dahil sa paglabag sa Anti-Money Laundering Act, habang kamakalawa lamang naihain ang kasong falsification of documents sa piskalya ng Makati.

Ang huling complaint ay inihain mismo ng RCBC.

Nag-ugat ang bagong kaso sa sinasabing pamemekeng ginawa sa account ni William So Go na nangyari sa RCBC Jupiter Street.

Kaugnay nito, hiwalay na kaso ang inihain ng negosyante sa Makati City Prosecutor’s Office laban kina Deguito at branch officer Angela Torres.

Ang mga usaping ito ay pawang iniuugnay sa $81 milyon sinasabing nakuha ng hackers Bangladeshi government’s bank account sa New York.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …