Sunday , December 22 2024

3 montenero suspek sa Mt. Apo fire

DAVAO CITY – Tatlong hindi pa kilalang mountain climbers na nagpaiwan sa tuktok ang hinihinalang responsable sa nagpapatuloy na forest fire sa Mount Apo.

Ito ang binigyang diin ng grupo ng bikers at trekkers mula sa lungsod ng Cotabato na nakasaksi sa pagsisimula ng sunog.

Malaki ang paniniwala ng mga kasapi ng Cotabato All-Terrain Bikers Association (CATBA), nag-ugat ang sunog sa tuktok na namataan ang tatlong mga camper na nagluluto ng pagkain nitong Sabado ng hapon.

Ayon kay Tutin Sapto, CATBA founding member, personal nilang nasaksihan ang sunog at nakuhaan pa nila ng larawan mula sa kanilang tent sa ibaba ng Lake Venado.

Sinabi ng grupo, plano rin nilang tumulong sa pag-apula sa sunog ngunit pinigilan sila.

Dahil dito, desmayado sila at tiningnan na lamang ang paglamon ng apoy sa mga kagubatan at damuhan ng Mount Apo.

Ang CATBA ay may 24 miyembro na umakyat sa Mount Apo sa pamamagitan ng Kapatagan Trail ng Digos City.

Samantala, kahapon ng madaling araw ay muling nagliyab ang malaking sunog sa Mount Apo na mas malaki pa sa unang sunog mula nitong Sabado ng hapon.

Napag-alaman, bumalik na sa kanilang kampo ang fire volunteers upang magpahinga nang biglang magliyab ang mas malaking sunog na bumaybay sa kagubatan ng Kapatagan, Digos City at Sta. Cruz, Davao del Sur na bahagi pa rin ng Mount Apo.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *