Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pamilya Coloma minasaker sa Cagayan

TUGUEGARAO CITY – Inihahanda na ang kasong multiple murder laban sa lalaki na pumatay sa tatlong miyembro ng isang pamilya sa bayan ng Pamplona, Cagayan kamakalawa. 

Kinilala ang biktimang mag-asawa na sina Emilio at Hilaria Coloma at kanilang anak na si Maria Christina.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Pamplona, sumugod ang suspek na si Ciano Bunag sa bahay ng pamilya Coloma at nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa live-in partner na si Maria na humantong sa pananaksak.

Idinamay pa ng suspek ang mga magulang ni Maria Christina.

Natagpuan ang walang buhay na si Maria, 300 meter mula sa kanilang bahay, habang nakita ang mag-asawa na patay na sa loob ng bahay.

Sinasabing nagalit ang suspek dahil napapansin niya na ayaw na sa kanya ng kanyang kinakasama at maging ng mga magulang ni Maria.

Mabilis na tumakas ang suspek makaraan ang insidente ngunit agad din nahuli nang may nakapagsabi na nagtago sa kanilang lugar sa Apayao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …