Friday , November 15 2024

Helper nagbaril sa sentido, kritikal

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 23-anyos helper makaraan magbaril sa sentido sa loob ng inuupahang bahay sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Inoobserbahan sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Harold Panuncio, tubong Capiz, residente ng Gate 15, Area D, Parola Compound, Tondo, Manila.

Sa ulat ni PO3 Tom Jay Fallar, dakong 6:45 a.m. nang maganap ang insidente sa loob ng inuupahang bahay ng biktima.

Ayon sa salaysay ni Ronald Ribano, 23, fruit vendor, sabay silang kumakain ng biktima nang walang sabi-sabing dinampot ni Panuncio ang isang kutsilyo, pumasok sa loob ng kanyang kuwarto at ipinad-lock ito.

Kinabahan si Ribano na may gagawing masama ang biktima kaya humingi ng saklolo sa kanilang kapitbahay na si Daisy Tulaan at humiram ng martilyo para sirain padlock ng pinto ngunit bigla silang nakarinig ng putok ng baril.

Sapilitan nilang sinira ang padlock ng pinto at nang mabuksan ay tumambad sa kanila ang duguang biktima na mabilis nilang isinugod sa pagamutan.

Inaalam pa ng pulisya kung kanino ang ginamit na baril at kung ano dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *