Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 bangkay natagpuan sa GenSan

GENERAL SANTOS CITY – Halos magkakasunod lamang nang matagpuan ang bangkay ng tatlong lalaki sa magkakaibang lugar sa lungsod kahapon ng umaga.

Ang una ay natagpuan sa Diversion Rd., Brgy Apopong. Ang bangkay ay may tama ng bala ng baril sa ulo.

Ang ikalawang bangkay ay natagpuan sa Prk-13, Brgy. Fatima, pinaniniwalaang ang sugat sa mukha ay natusok ng kahoy dahil sa vehicular accident na kanyang ikinamatay.

Habang ang pangatlong bangkay ay natagpuan sa MSU-Corner 39.2 Village, Brgy. Fatima at may isa ring tama ng bala ng baril sa ulo.

Nabatid na natagpuan ang mga bangkay kasabay nang isinagawang “One time big time” operation ng General Santos City Police Office na ipinatupad ang 43-search warrants sa iba’t-ibang lugar ng GenSan.

Sa 65 target persons sa search warrants, 25 lamang ang naaresto ng mga awtoridad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …