Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

10 sugatan sa salpukan ng 2 tricycle sa CamNorte

NAGA CITY – Umabot sa 10 katao ang sugatan sa banggaan ng dalawang tricycle sa Brgy. Batobalani sa Paracale, Camarines Norte kamakalawa.

Napag-alaman, habang binabaybay ng tricycle na minamaneho ni Elias David, 61, kasama ang anak niyang si Jennifer David, ang kahabaan ng nasabing kalsada nang mahagip ito ng humaharurot na tricycle na minamaneho naman ni Reynante Ybarola.

Dahil sa lakas ng salpukan, bumaliktad ang tricycle na minamaneho ni Ybarola na lulan ang pito katao.

Agad itinakbo sa ospital ang mga biktima pawang nagkaroon ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sinasabing lasing si Ybarola kaya pagewang-gewang ang kanyang pagmamaneho.

Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to properties ang suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …