TINANONG namin si Madam Suzette Arandela, isang magaling na manghuhula, kung saan hahantong ang pagmamahalan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidecelli base sa pangyayari ngayong sa kanilang relasyon.
Sa nabasa ni Madam Suzette sa kanyang Tarot card, nakita niyang ‘prone to pregnancy’ ang Pop Princess sa taong ito at susunod ang kasalan sa susunod na taon.
Base rin kasi ang hula sa mga balitang mas gusto pa raw ng mang-aawit na kasama ang BF kaysa magtrabaho. Naghahanap na rin daw ito ng malilipatan dahil gusto na nitong humiwalay sa mga magulang.
Madalas ding nakikitang magkasama ang dalawa tulad ng pagdalo sa isang kasalan at ang pagsama ni Sarah sa Cebu para sa birthday celebration ni Matteo.
STARNEWS UPLOAD – Alex Datu