Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Foreigners sabit sa money laundering — KIM WONG

ISINIWALAT ng negosyanteng si Kam Sin Wong alyas Kim Wong ang personalidad na maaaring nasa likod ng $81-milyon money laundering sa Filipinas, ang perang ninakaw mula sa Bangladesh Central Bank sa New York reserve.

Gayonman, todo tanggi siya na may kinalaman siya sa multi-million dollar money laundering.

Sa kanyang pagharap sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee, idiniin ni Wong ang RCBC branch manager na si Maia Santos-Deguito na siyang nagmanipula kung paano nangyari ang money laundering.

Si Deguito aniya ang nagpeke ng limang accounts, habang hindi niya alam kung saan nanggaling ang $81 milyon na nakaw na pera.

May ipinakilala raw si Wong na banyaga kay Deguito, na nagngangalang si Mr. Gao at sila na raw ang nag-usap.

Pebrero 4 aniya dumating sa Filipinas si Gao para mag-invest sa Filipinas kaya’t naipakilala kay Deguito.

Kinabukasan, Pebrero 5, ay tumawag na raw sa kanya si Deguito na may pumasok na milyon-milyong dolyar sa RCBC bank accounts, kaya’t agad daw ipinag-utos ni Wong na dalhin ang pera sa casino.

Sa kabuuan ay nasa $63 milyon ang pumasok na pera sa Solaire at Midas Casino habang nasa Philrem ang $17 milyon, ang perang ito ay galing sa $81 milyon na pumasok sa RCBC Jupiter branch.

Nailipat daw ang naturang pera sa pamamagitan ng Philrem Service Corporation, katunayan si Wong pa raw ang personal na kumukuha ng pera sa bahay ni Michael Bautista ng Philrem, kabilang rito ang cash na P100 milyon at $3 milyon noong Pebrero 9, habang P100 milyon at $2 milyon noong Pebrero 10.

Sa kabila nito, binigyang diin ni Wong na wala siyang kinalaman sa money laundering dahil bilang casino junket operator, kumukuha lamang sila ng foreign investors para maglaro sa Filipinas.

Sa kanyang paniniwala, si Mr. Gao, ang talagang sangkot sa money laundering.

“Malaking player at sila talaga ang gumawa nito, paniniwala ko si Gao,” ayon kay Wong.

Sa pagdinig ng Senado may ipinakita pang larawan si Wong nang iproseso ang pera para makapasok sa casino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …